Sa pagkamatay ni Corazon Aquino.

ulos87

Sa pagkamatay ni Corazon Aquino.

(amihanmalaya.wordpress.com and monkeysmashesheaven.wordpress.com)

Namatay si Corazon Aquino nuong nakaraang lingo. Pinaguusapan ng buong bayan ang pagkamatay ng isang dating papet. Ang midya ay muli na namang nagsimula ng kampanya para purihin siya. Ginagampanan ng midya ang sariling agenda bilang tagapagsalita ng isang pangkat ng mga reaksyunaryo na ipinapamalita ang tagumpay ng “demokrasya” laban sa diktadurang Marcos na para bang isang mahiwagang pangyayari. Ang media-driven charade na ito ay hindi lamang pinalalabo ang tunay na makasaysayang salaysayin, pinapalaganap rin nito ang mga malalaking kasinungalingan na nanlilinlang sa masa sa ilalim ng bandera ng animo “mapayapang rebolusyon”. Ang gayong idealistang retorika ay walang maipapamana sa atin na anumang kongkreto. Sa halip ng gayong empty hype, dapat yakapin ng masa ang syensya at matuto mula sa kasaysayan.

Magbalik tanaw tayo, sa katapusan ng dekada 80 at sa dekada 90, kung kailan nagkaletse-letse ang kilusan. Si Sison, bilang isang nangungunang teoretisyan, ay pasan ang dambuhalang tungkulin na muling isaayos ang takbo ng rebolusyon, upang maiwasto ang buong rebolusyonaryong kilusan. Binigyang linaw ni Sison ang lahat mula sa isyu ng mga kamaliang pang-organisasyon hanggang sa paglilihis sa ideolohiya. Tama lamang na muling pinagtibay ni Sison ang Maoismo bilang unibersal na pang-ideolohiyang sandata ng mga inaapi at pinagsasamantalahang mamamayan. Sa maraming dokumento ng partido, inevaluate ni Sison ang kinahinatnan ng EDSA 1986 “revolution.” Inihayag niya na ang kalagayan sa ilalim ng rehimeng U$-Aquino ay sing lala o higit na malala sa sinundan nito. (1) Isang alternatibong pahayagan, ang Bulatlat ay inilarawan ang rehimen ni Aquino:

“Pinairal ni Aquino ang dati ring militaristang solusyon sa armadong tunggalian sa paraan ng ‘unsheating the sword of war,’ dinisplace ang higit sa isang milyong katao sa kanayunan. Ang estratehiyang ‘low intensity conflict’ na natutunan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula sa US Armed Forces at pinairal ng gubyernong Aquino ay sinamahan ng pag-aarmas sa mga anti-komunistang grupong vigilante, na responsable sa mga brutal na atake laban sa mga tao sa kanayunan.” (2)

Ang terorismong estado ay mas matindi sa ilalim ni Aquino kaysa sa ilalim pa man ni Marcos o Arroyo. Ang rehimeng U$-Aquino ay nagpakawala ng maraming grupong vigilante na pugot-ulo, mga baranggay defense units, at ibang mga mersenaryo, tinatawag pa nga nilang “tagapagtanggol ng demokrasya.” Ang mga ito ay mga sanggano lamang ng angkang Aquino-Cojuanco, lalo na yung mga grupong kleriko-pasista, Tad-tad, Ilaga, para magbanggit ng ilan. Dagdag na rin ang pinatinding pormal na kontra-insurhensyang operasyon ng pulisya at militar.

Bumaligtad na si Sison ngayon. Pagkatapos ng dalawang dekada, pinapahiwatig ni Sison na isang “progresibo” si Cory. Kailan lang sa mga panayam kay Sison mismo, binalikan niya ang mga alaala ng mabuting pagkakaibigan sa mga Aquino bago pa man bumagsak ang rehimeng U$-Marcos. Ayon kay Sison, napangalagaan niya ang isang mabuting relasyon sa mga Aquino kahit na tinutuligsa niya ang mga ito sa publiko. (3) (4) Ngayon ang mga bulaang leader ng pangmasang kilusan sa Pilipinas, ang NDF, ay hindi lamang naghatid ng kanilang pakikiramay sa pamilya Aquino, hinahanay rin nila ang kanilang sarili kay Aquino, ang kinamumuhiang manloloko. Sinabi ba naman ng NDF na ang rehimeng Aquino na suportado ng U$ ay itinaguyod ang karapatang pantao, mga kalayaang sibil, nasyunalista at progresibong mga programa, reporma sa lupa, atbp. Base na rin sa 1986 constitution. (5) Upang linawin ang lahat, itinaguyod ng rehimeng U$-Aquino ang gayong idealistikang retorika sa papel lamang; para magsabi ng anupaman liban sa katotohanan ay para pagtaksilan ang masa, ang yaong sinasabi ng NDF na ipinaglalaban nila. Sinumang may utak ay hindi makakapaniwala sa gayong kabulastugan. Ang gubyernong Aquino ay isang instrumento ng paghahari ng uri. Tulad ng diktadurang Marcos bago nito, ang rehimen ni Aquino ay nagdulot ng lagim sa masa bilang instrumento ng burgesyang kumprador, panginoong maylupa at mangangamkam.

Ang di-prinsipyadong media stunt na ito na gawa ni Sison at ng NDF ay isang hakbangin upang makakuha ng popularidad sa ilang bahagi ng populasyon, lalo na sa mga panggitnang uri. Ilang dekada kasing negatibo ang pananaw ng mga bahaging ito sa pangmasang kilusan sa parteng nakakarami. Kaya, isinasakripisyo ni Sison ang Maoismo upang kumita ng puntos bilang isang pulitikong burges.

Ang degenerate forgive and forget bullshit na ito ay hindi katanggap-tanggap. Ang mga pahayag na ito ni Sison at ng NDF ay isang pagtataksil sa yaong mga dumanas ng pang-aabuso sa ilalim ng reaksyunaryong gubyerno ni Aquino. Nililito lamang ni Sison ang masa kapag gumagawa siya ng mga gayong pahayag. Ang gayong oportunismo ay pinahihina ang Maoismo bilang rebolusyonaryong syensya. Malinaw na ngayon na ang NDF ay sumali na sa mga yellow flag waving horde of intellectually bankrupt hippies. Maraming beses nilang winala ang rebolusyonaryong karakter. At, winala nila ang kanilang katinuan nang sumali sila sa korong maka-Aquino. Wala nang pinagkaiba ang NDF sa kanilang mga naunang pangkatin. Ang mga rebisyunista ay rebisyunista. At, matagal na nilang nililigaw ang proletaryo. Kung hindi nila magawang kilalanin ang mga kaibigan mula sa mga kaaway, paano natin maasahan na magagabayan nila ang masa tungo sa sosyalismo? Hindi tulad ng NDF at ni Sison, ang mga Maoista-Third Worldista ay matatag at pursigidong pumalagay sa prinsipyadong katayuan. Ang mga tunay na rebolusyonaryo ay nagsasabi ng katotohanan. Ang maningning na landas tungo sa komunismo ay Maoismo-Third Worldismo. Wala kaming sasayanging luha para sa isang bulaan na tulad ni Corazon Aquino: ang kamatayan ng isang mang-aapi ay walang timbang sa puso ng mga mahihirap na magsasaka, na kanilang pinapatay at ginugutom.

Mga tala.

1. http://www.philippinerevolution.net/cgi-bin/cpp/pdocs.pl?id=reafe;page=05
2. http://www.bulatlat.com/main/2009/08/01/cory-aquino%E2%80%99s-place-in-history/
3. http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20090803-218598/CPP-founder-Aquino-was-true-to-her-word
4. http://www.josemariasison.org/jumi02/inps/Coryexceprel.htm
5. http://www.philippinerevolution.net/cgi-bin/statements/stmts.pl?author=ndfnp;date=090802;lang=eng

There are no comments on this post

Leave a Reply